what's your name? (:
<style type="text/css">@import url(http://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/697174003-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/3766025886822148472?origin\x3dhttp://maja-majagirl.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=6906650705735714279&targetPostID&blogName=Be+HaPpIE+%21%21&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLACK&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Fdesolate-luv.blogspot.com%2F&blogLocale=en&searchRoot=http%3A%2F%2Fdesolate-luv.blogspot.com%2Fsearch" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>

Saturday, January 10, 2009
Teacher Teacher!

Teacher Teacher =)

Tagal ko ng hindi nagpost. Akalain mo, buhay pa pala ako. May sakit nga ko nagyon eh. (oo na wala ka namang pakialam)

Kakatapos lang ng thesis defense namin. Kanina parang gusto kong hamballusin ng silya si Ma’am buti naisi ko hindi sya tama. Andami kasi masyadong revisions. Eh sobrang haba ng thesis namin.

So ayun nga, this week nag-student CI ako sa hospital. Mandatory yata sa lahat ng nursing na mag-CI sa 4th year nila o baka pauso lang na naman ng school namin.

Gusto ko sana sa school ma-assign. Kapag sa school kasi ahmm TENTENENEN—naka-semi formal ka. Parang buong education years ko naka-uniform ako kaya kapag may chance na mag-civilian eh, pribilehiyo yon. Haha

Pero ayun nga, sa hospital ako na-assign so naka-uniform ako. 11pm-7am ang shift ko. At hindi ako natulog ng matino.(Mabuhay ang mga adik!) At sabi ng CI ko—“Oh Maja ha,dapat lagi kang ready at dapat hindi talaga makakatulog ang studyante mo!”
Yun yun eh, walang pressure.

Pagdating ko pa lang sa hospital nung first day. Pagpasok ko sa pinto, parang nangungusap na ang mga mata nila, parang sinasabing –“Sino tong hayup na to?”

Pagkatapos nila akong titigan pagpasok ko ng pinto, ayun, nag-start na silang i-deny ang existence ko. Tinuring na nila akong agiw at hindi na nila ako pinansin magdamag. Minsan-minsan (kapag humihihip ang hangin sa direksyon ko o kaya nakakagawa ako ng ingay)nahahalata nilang nandun pala ako kaya kinakausap na din nila ako.

Hindi rin ako nag-effort makipag-interact sa kanila noong 1st day . Noong panahon na yon kasi 22 hours na akong gising. Baka hindi ko sila matantsa at magdilim ang paningin ko masapak ko lang sila sa antok ko. Hindi ko din sila pinapansin.
Kaso ang hirap i-deny na nag-eexist ang 10 students, hindi kaya ng imagination ko.

Ayun, nahihiya ako sa CI ko kasi andami kong mga nakalimutan. Naiwan ko ba naman yung mga exam ko. Yess. AT huwag mong i-under estimate ang memorya ko dahil pati lesson plan at mga pinasang repot, requirements,etc ng mga studyante ko naiwan ko din (mga pinaka-importanteng bagay)

Baka isipin ng CI ko iresponsable ako (hindi naman masyado ah!) at babaan ang grade ko. Hehe. Feeling ko naman hindi ako iresponsable, mabangis lang talaga ang memory ko. Pang commercial ng sustagen premium.

Pero magaling naman ako magturo ah! (Magbigti na mayabang..) Tapos nagkaron na din naman kami ng harmonious relationship ng mga students ko. (Dumating din kasi yung point na napansin nilang hindi ako Agiw at nagdesisyon silang harapin ang katotohanan na nandun talaga ako. Nagku-kwentuhan na kaming lahat. Kasali ako..Would you believe? At bago ako umalis binigyan pa nila ako ng remembrance. Sticker na name ko at pen. Para daw hindi ko sila malimutan. Gusto ko nga silang kutusan non, ang sweet kasi. Sarap sigawan nga- MGA DAMUHO KAYO! AKALA KO HINDI NYO KO NAKIKITA!)

Sabi ko dati sa isang post ko hinding-hindi ako magti-teacher. Kahit 3 days lang ako nagturo, ayos lang din pala. Pero ayoko pa din talaga magturo! Sana wag na to maulit. Haha

Blogged @ 5:10 AM | 0 comments