Sunday, March 1, 2009

Franz and me... mga geek daw na nagmukang emo (',')
Weeeeh!
Tapos na yung play namin.. (Humanities finals namin ay magperform ng isang musical play) hmmnnn.. Masaya na ko, bago gumraduate naipahiya ko na yung sarili ko.. Yess!!!
AYun, matapos ang mahabang paghahanda, praktis, etc. Nag-away-away din kaming magc-classmate syempre. Nairaos din ang play. Bale, masaya naman sya... Ewan ko lang kung nasiyahan yung mga manonood sa sayaw namin.Hindi ko naman kasi talaga maipakiwari bakit ba napakatigas ng katawan ko... (oo, ipapahiya ko talaga ang sarili ko) Akala ko kapag sa sounds ka naka-asign hindi kana magsasayaw. Ang tindi ng direktor namin, walang makalusot. (Idol ka talaga Myles)
Whatev... Tapos na yon, wala na sigurong makakaalala..
Ayon, speaking of ala-ala.... Nagpakuha na kami ng grad pic diba?? Ngayon lang nag-sink in sakin na itinaas ang bangs ko at hindi sya bagay!!! Bwisit na bading yon! Kapag pangit yang anual ko, ipapakulam ko talaga sya! (may kamuka akong CI, at hindi ko sasabihing si Mam Sumague yon!)
Blogged @ 1:09 AM |
0 comments
