Friday, April 24, 2009
Grad Pic
Isa sa mga kahinaan ko bilang tao ay ang gustuhin ang mga bagay na hindi ko gusto. Hindi naman sya balakid (Wow Ano daw yon?) kasi karamihan naman ay umaayon sa taste ko sa buhay.Atsaka ako kasi yung tipo ng tao na naniniwala sa katagang "LOOK AT THE BRIGHT SIDE".
Pero ng matanggap ko ang Grad. Pic kahapon.. Para akong nabagsakan ng piano---GRAND piano..
Baket ganon yon? Anong ginawa kong mali? Gusto kong kumprontahin yung bading na nag- ayos sakin at tanungin kung may problema ba sya? May maitutulong ba ko sa kanya? Hindi
nya naman kailangang sakin maglabas ng sama ng loob diba? Sinugatan na nga nya ang kilay ko nung inahitan nya tapos ganon pa?
OO giguro iniisip nyo "Bakit sinisisis nya yung bading? Baka naman muka na niya yung prublema?"
Ay Pucha! Sige ipagpalagay na nating may kontribusyon na yung muka ko sa kinahinatnan nung picture.. Abay sige na! Pero naman! Bakit sa mga dating Grad Pic ayos naman??????? Nagmuka akong nanay ko 10 years from now.
Kaya pala sabi ng Madafaking bading na yon "Ay ayan muka ka nang senadora!" Muka pala akong si Miriam Defensor (yun ang feeling ko)
Ayos lang kung pwede kong ibaon sa lupa yung mga picture eh- At least may silbi sila- pampataba ng lupa... Eh hinde! Ilalagay kasi sya sa ANNUAL.. Sa Annual! Sa A-N-N-U-A-L.....
Oo hindi ako sikat at walang titingin non, kami-kami lang din naman.. Pero kahit na!
Hindi ko gusto ang grad pic ko... Hindi talaga.. Hindeeee....
Blogged @ 9:31 PM |
0 comments
