Thursday, May 21, 2009
Cold Feet
COLD FEET!!!
Konti na lang Board Exam na.
Pinipilit kong i-jam pack ng 2 weeks review ang 4 years kong inaral. Kung bakit naman kasi napaka batugan ko. Ang masakit, nakakatulog ako lagi. Gusto ko na daanin sa dahas eh, sana lumiyab yung kama ko kapag humiga ako para hindi ako ma-tempt. matulog. O kaya arkilahin ko kapatid ko na sikmuraan ako tuwing tatamarin ako. Maghiwa ng labaha at patakan ng lemon ang sugat..Whatever! Manatili lang akong gising!
MY RESOLUTIONS:
- Pray. Pray. Pray. (Kulitin si Papa Jesus, para mainis at ipasa ka. Tandaang hindi ka pala-aral at kailangan ng matinding Divine Intervention upang magtagumpay. Hmmnn)
- Labanan ang pagtulog. (Tandaang sabi sa Facebook 35 years old ka mamamatay. Malay mo totoo, wag itulog ang nalalabing panahon ng buhay mo. 16 years na lang yon if ever. Mag-aral ka.)
- Iwasan ang alak, yosi, ampetamina ,atbp. (Focus Men! Focus! Saka na ang debilitating substances!!! Enhance your brain functioning! Ano daw?)
- Gawing bespren sina Maglaya, Kozier, Brunner at Suddhart ng 2 weeks. (Unawain sila at heart and soul isabuhay ang mga sinasabi nila. Tagal mo silang iniwasan, face them Girl….its about time)
- Kumain always ng mani at gawing chichirya ang Memo Plus Gold upang madagdagan ang IQ. (Baka sakaling kaya pa.)
- Habaan ang pasensya sa ingay ng pamilya. (Isuksok sa utak na kapag bumagsak ka ng board exam, sila ang “shoulder to cry on”. Rock ON!)
- Be kind to others. (Para good karma.)
- Umpisahan ang pagjo-jogging sa June 1 at heart and soul na mag sit ups. (Maawa ka sa katawan mo. Muka ka ng butete, alam mo yan.=’(…..)
- Wag munang atupagin ang blog. (Bear in mind, walang bumabagsak sa blog, sa board exam marami.)
Anyways, last blog entry ko to this month malamang… Good Luck sa ‘ting mga kukuha ng PNLE ngayong June… Sana umabot manlang sa 50% ang passing rate… Har har
God Bless!!!
Blogged @ 7:04 AM |
0 comments
