Friday, May 1, 2009
Labor Day!
Labor Day!!!
Ayun ang saya walang pasok.Maaga kong sinimulan ang araw ko. (pakealam mo nga naman diba?hmmnnn) Nagserve kasi ako sa church. Oo, magsi-6 months na kong nagse-serve sa simbahan bilang lector at hindi pa naman nila ako sinisipa palabas. Marami din naman kaming bata pero syempre mas maraming mga manang (geriatrics). Nahihiya nga ko minsan, badtrip kasi tong mga tropa ko, lagi akong niloloko . Iniisip siguro nila taksil ako kasi umanib ako sa simbahan. Sorry naman.
Hindi ko maintindihan kanina bakit 6am ang misa 4:30 pa lang pinapunta na ko. Natatakot siguro sila, baka hindi ko sila siputin. Ayoko pa naming tumambay don, marami kasi akong mga iniiwasang manang.
Siguro kasi dahil 77 na ang lola ko (ang kaisa-isang grand parent kong buhay) at nagtatanim pa sya at nagpapastol ng kambing atbapang farm animals at dahil ang pagmumura ay kasama na sa Code of Ethics samin sa Batangas (katuwa nga yung lola kong yon, kasi kapag hindi nya nagustuhan yung hilatsa ng mukha mo. Buti kung laitin ka lang, minsan mumurahin ka pa non. Ex: “Ang p#t@ng in@ng bata ito, anong nangyari sa lintik na ngipin mo? Aba’y kalaki ah!” Medyo ganyan kami lahat sa pamilya pero lola ko ang pinamalupit. Perfect kasi kami…Hmnnn… Pero super bait ang lola ko, promise) Anyways, dahil nga sa astig ang lola ko, hindi ako sanay makipag-deal sa mga manang sa simbahan na strikto at konserbatibo.
Di ko matandaan mga pangalan nila (as usual) so binigyan ko na lang sila ng code name para madescribe. Hehe
Lola Labamba- para kasing laging magba-ballroom ang get up ni lola. Hekhek. Pinapagalitan nya ko tuwing magbabasa, napapalitan ko kasi yung mga words galing sa bible. Hirap kasi yung mga words like Nebucodonosor, Melquisedec, etc. Sabi nya sakin “Hindi dapat pinapalitan ang word of God! Word of God yon! Ang Word of God ay tatatatata word of God Word of God word of God…..” – Hindi ko na naintindihan, pero ang point nya siguro ay bulol kang bata ka, ayusin mo basa mo. Magbabasa kana nga lang.. Siguro yon.
Sister Mali-mali (mάlih- mάlih) hindi mo sya babanggitin ng mabilis. Dapat malambing. Mabait kasi talaga sya Iniiwasan ko sya kasi ayokong dahil sakin eh masira ang araw niya. Perfectionist kasi si Sister, eh dahil nga pinaglihi nga ako sa aberya. Parang nadidismaya sya sa kin. Lagi nya kong pinapaalalahanan, “Maja, anyusin mo buhok mo.”, “Magstraight body ka, mas maganda yun.”,”Dahan-dahan ka, baka matisod kana naman sa kurdon”, “Naku bata ka, wag kang dumikwatro ampangit tignan!”. Ayokong mafrustrate sya sa buhay niya dahil sa kaka-ayos sakin.
Mommy SW- Para kasing pareho sila ng hair style ni Snow White. Gusto nya kasi ako magcommentator tuwing nakikita nya ko. Ahm hindi ko kasi saulo kung kelan ka dapat tumayo, lumuhod, kumanta, umupo, ngumiti, basta. Chaos kapag ako nagcommentator.
Lola Pushy- Sya ang pinaka bago sa hitlist ko. Kinakausap nya kasi ako, natutuwa daw sya kasi ang babata naming na nagse-serve sa simbahan. Na overwhelm yata sya. So hinihimok nya akong mag-madre. Medyo pushy si lola, binibigyan nya ako ng mga lugar na pwede kong puntahan kung sakaling ako ay magmamadre. At bago pa nya ako mabrain wash kailangan ko na syang layuan. Oo, muka akong mabait, nerd, mahiyain at tahimik. Pero hinde, hinde…Malandi ako malandi malandi malandi…
Blogged @ 6:55 AM |
0 comments
