Thursday, June 18, 2009
.... Random Thoughts

We’ve all heard the terms “It’s just a Phase,” and the not very helpful “you’ll get over it” many times in our lives. True, we eventually move on, grow up or detach. Things seemed much simpler when we were younger in a life of black and white details, yes or no, fat or thin, pretty or ugly, happy or sad. As years pass and we go through a kaleidoscope of experiences, some of us realize that life is way too colorful to just live it monochromatically.
--Excerpt from a magazine…
So true.. Wala lang, nahuli ng passage na to ang mood ko this past few weeks. Dahil nag-uuulan ngayong mga panahong to at wala masyadong sinag ng araw. Mababa na naman ang endorphins (happy hormone) ko. Dramatista mode na naman ako.
Miss ko na mag-aral. Magduty sa hospital ng sapilitan, magbyahe papuntang duty, mamutla at halos magcollapse sa sobrang pagod, mabadtrip sa mga CI (hindi naman lahat) na hindi ko maintindihan ang tinuturo, ma-stress ng araw-araw na exam, mauta sa mukha ng katabi ko sa room, at higit sa lahat mabigyan ang “ever-dearest-precious-most-appreciated-fixation-in-my-student-life-BAON-and-ALLOWANCE”..
(Buntong Hininga)
Grabe, ewan ko kung anong conspiracy ng pamilya ko ang ginagawa sakin sa bahay namin, o kung napapraning lang ako… Parang every morning kapag papasok sa school at work ang pamilya ko, hindi nila ako iniiwanan ng pera at lutong pagkain. Sinasadya yata nila.
Kanina tinanong ko si mama, kung anong kakainin ko. Ang sagot sa kin. “Gumawa ka na lang anak ng paraan. Magluto ka d’yan. Alis na ko ha?” (Translation: Malaki ka na anak. Matuto ka magluto kundi mamamatay ka sa gutom.)
Alam kong big girl na ko at ang mga good girls ay supposedly marunong magluto. Pero ako hindi…Hinde. HINDE. HINDE. Kahit prito lang o saing di ko ma-distinguish kung luto na ba, hilaw pa ba? Badtrip.. Hindi ka naman makabili ng luto na kasi di din nila ako iniiwanan ng pera! Syempre dahil ako ay isang dakilang tambay –Ever Precious ang sarili kong pera kaya mega tipid ang lola mo.
Ilang lunch time na kong nakikikain sa mga tropa ko.. Shucks di pwedeng ganito lagi, baka mahalata na nila na nakikikain lang talaga ako kaya ako napunta sa kanila pag nagpatuloy to.. hayyyy…(Buntong Hininga)
Panay parinig na nga sa bahay kung wala pa daw ba ko balak magtrabaho…
Aba’y gusto ko naman na. Kaso FREEZEHIRING nga ang nurses! Ano ba! Ano ba! Wla bang naniniwala sa ken!!!!
(MALALIM na Buntong Hininga)
Andaming buntong hininga no? Aynaku ayoko na ng buhay tambay! Sanay akong busy at hindi ako tatagal ng ganito, miss ko na ang buhay student….
(Buntong Hininga)
Blogged @ 4:38 AM |
0 comments
