Thursday, February 25, 2010
Badtrip Chronicle 2
Ang hirap kumalas sa isang bagay na napamahal na sa’yo. Yon bang some where in time naging ang saya-saya ng moments together, tumitigil ang mundo kapag kayo lang magkasama, at kahit san ka magpunta tiwala kang mahal ka niya at ayaw mo mang amining talandi ka eh kilig na kilig ka naman.
Ang hirap ng break up na isang partido lang ang gustong humiwalay. Ang hirap ipaunawa sa kanya na kailangan mong grow as a person ang unfortunately he’s not part of the betterment you are procuring for yourself. Lalo kapag hirap s’yang maglet go (at dahil tao ka lang, mahina ang paninindigan at malandi ka din) madalas naiisip mong bumalik na lang wag na mag-inarte at tigilan na lang ang page-emote.
Pero titibayan mo ang loob mo, itataas ang bangs at ipapaalala mo sa sarili mong gagawin mo to dahil you must love yourself first.
Paano ka nga ba makikipag-break sa katamaran.
Ayan! Yan ang salot sa buhay ko, mo at malamang sa nakararami sa’tin—KATAMARAN. Maraming panahon nag-eemo ako kasi walang nagyayari sa buhay ko, malamang kasi mas madaling mag-emo, magmukmok at kaawaan ang sarili kaysa gumalaw, mag-sip at maghanap ng produktibong gagawin..
Humihingi ako ng tawad sa Lipunan, Inang Bayan, sa school ko nong college, pati na din dun sa makulit na nakikipagtextmate sakin kasi sila pinagbubuntunan ko ng galit. Nananahimik naman sila e pinapakyuhan ko sila sa blog, sa facebook, sa txt (oo txtmate ko si inang bayan) at sa utak ko lalo kapag nagse-self pity ako.. Mas madali kasi manisi kesa aminin sa sarili mo na- Isa kang malaking tamad, kasalanan mo kung bakit ginagawa mong playground ang dusa at kahirapan, hindi ka makikilala ng trabaho lalo kapag hindi mo sya nilalapitan, hindi ka babayaran sa pagddvd marathon at hindi competition ang pagtulog.
Isa sa mga magagandang idinulot ng pagkakaroon ko ng tigdas ay ang 2 weeks kong isolation although kinakausap pa naman ako ng pamilya at kaibigan ko, nabawasan talaga ang gustong lumapit sakin. Well kawalan nila yon, dahil bukod sa ang sexy kaya ng rashes ko!, kapag nagka-tigdas ka magkakaron ka ng moment of seclusion. Maraming pagkakataon para matulog, magplants vs. zombies at higit sa lahat, magnilay.
Minsan kasi sa sobrang busy natin, we neglect to ponder on things which really matters . (UYYY LUMELEVEL ANG ECHUSERANG NAGMOMOMENT…akala mo naman seryoso. Echos lang to.)
Ikaw? Kelan mo huling pinagnilayan ang buhay mo? (O LOKO , DAMAY KA PA NGAYON…)
Kaya din matagal akong hindi nakapag post dito kasi TINATAMAD ako mag-isip.
Blogged @ 3:38 AM |
2 comments
